Nalinis na ang nagbarang basura sa mga kanal at naisaayos ang 13 manhole sa kahabaan ng Gen. Malvar St. at Bonifacio St. sa Brgy. Bagong Silangan upang maiwasan ang pagbaha sa lugar.
Pinangunahan ni District 2 Action Officer Atty. Enrile “Bong” Teodoro, at QC Engineering Department ang isinagawang declogging operation.
Paalala naman sa ating mga QCitizen, na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara ng mga daluyan ng tubig sa ating lungsod.