Inaksyunan ng District 5 Action Office sa pangunguna ni Mr. William Bawag at Quezon City Engineering Department na pinamumunuan ni Engr. Dale Perral ang apat na sirang manhole at baradong kanal sa kahabaan ng Narra St. Village, East Fairview.
Tinanggal ang mga basurang nakabara, nilinis ang mga kanal at sinimento ang mga sirang manhole upang maiwasan ang pagbaha.
Muli namang paalala ng ating lokal na pamahalaan sa bawat QCitizen na maging responsable sa pagtatapon ng mga basura at pangalagaan ang ating kapaligiran.