Inayos at pinalitan ang sirang manhole sa Don Filepe Pillar Village, Barangay Tandang Sora. Nagsagawa naman ng declogging sa baradong manhole sa Masagana Compound, Barangay Culiat.
Isinagawa ang proyekto para sa QCitizens upang maiwasan ang peligro at maayos ang drainage sa mga nasabing lugar.
Maraming salamat sa pag-aksyon ng District 6 Action Office sa pangunguna ni Action Officer Mark Anthony Aldave at Quezon City Engineering Department na pinamumunuan ni Engr. Dale Perral.