Kaisa ang Quezon City Hall sa pagtugon sa Textile Pollution!
Dumalo ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa RePorma: QC Hall Employees Clothes Swapping Event sa inner lobby ng Quezon City Hall ngayong araw.
Sa RePorma, nag-donate ang mga empleyado ng mga lumang damit na maaari pang maisuot at magamit. Inipon ang mga ito, ini-swap sa mga kasuotang bigay din ng iba pang kawani.
Bumisita naman si Mayor Joy Belmonte at mga department head para magbigay suporta sa programa para maiwasan ang textile waste.
Ang RePorma sa QC Hall ay nakalikom ng mahigit 1,100 na damit, kung saan aabot sa 832 ang nai-swap na.




