Ipinakita ng Molave Youth Home sa mga researcher mula Dhulikhel Hospital sa Nepal kung paano nila sinisigurong masustansya ang bawat pagkaing inihahain nila sa children in conflict with the law (CICL) na pansamantalang nanunuluyan sa kanila.

Ang Molave Youth Home na isang city government-run institution ay mahigpit na nagpapatupad ng Healthy Public Procurement Policy ng lokal na pamahalaan. Sa ilalim nito, masusing tinitingnan ang taglay na nutrients ng bawat sahog na ilalagay sa pagkain at iniiwasan ang mga “unhealthy food” tulad ng instant noodles.

Mayroon ding “no junk food policy” sa Molave, kung saan hindi pinapayagan ang pagbibigay ng tsitsirya, fast food, at processed food, tuwing visitation.

Bumisita rin ang mga delegado ng Nepal, kasama ang mga kinatawan ng Imagine Law, at City Health Department, sa Quezon City General Hospital bilang bahagi ng kanilang pag-aaral tungkol sa implementasyon ng Healthy Public Procurement Policy ng lungsod.

May be an image of outdoors
May be an image of 13 people, people standing and outdoors
May be an image of 1 person, food and indoor
May be an image of 6 people, people standing and indoor
May be an image of food and indoor
May be an image of outdoors
May be an image of 11 people, people standing and outdoors
May be an image of 4 people, people standing, flower and indoor