Wagi ang Barangay Loyola Heights sa ResQClympics 2024!
Matagumpay na nakamit ng Loyola Heights Barangay Emergency Response Team ang championship matapos ang limang araw na tagisan ng bilis, talas, at lakas sa ResQClympics 2024 na pinangunahan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).
Sila ay makatatanggap ng modified pickup truck para sa kanilang rescue operations.
Nakamit naman ng Barangay Blue Ridge B ang 2nd place at sila ay mabibigyan ng automated weather station, habang 3rd place naman ang Barangay Batasan Hills na makatatanggap ng fiber boat.
Nakiisa sa awarding ceremony sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, at QCDRRMO OIC Ma. Bianca Perez, kasama ang lahat ng barangay na naging bahagi ng timpalak.
Layon ng ResQClympics na pag-igihan pa ng mga barangay ang kanilang emergency and disaster response skills upang mapagtibay ang kanilang kapasidad na tumulong sa QCitizens sa anumang uri ng sakuna.