Congratulations, Barangay Batasan Hills! ![]()
![]()
Nagwagi ang Batasan Hills Barangay Emergency Response Team matapos manalo sa Rescue Challenge ng Final Round ng ResQClympics 2025. Nakatanggap sila ng rescue vehicle bilang gantimpala sa kanilang pagkapanalo.
Nakatanggap naman ng Battery-Operated Extrication Device ang Barangay Bagumbayan bilang 1st Runner-Up habang nakatanggap ng Manual Extrication Device ang Barangay Loyola Heights bilang 2nd Runner-Up. Ginantimpalaan naman ng Automated External Defibrillator (AED) ang Barangay Sacred Heart, Barangay Pasong Putik Proper, at Barangay Blue Ridge B bilang 3rd Runner-Up, 4th Placer, at 5th Placer.
Muling nakiisa sa awarding ceremony sina QCDRRMO Head Ma. Bianca Perez, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, at lahat ng barangay na naging bahagi ng patimpalak.
Layon ng ResQClympics na kilalanin at suportahan ang ating barangay responders na nangunguna sa disaster preparedness at emergency action, bilang pagpapatibay sa hangaring magtaguyod ng mas ligtas at resilient na mga komunidad sa Quezon City.








