RESQCLYMPICS YEAR 2! ![]()
Bilis, talas, at lakas ang ipinamalas ng barangay emergency response teams sa ResQClympics 2025 ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) noong November 17-21, 2025 sa Amoranto Sports Complex.
Nagtagisan sa patimpalak ang top-performing barangays na nakakuha ng Barangay Seal of Good Housekeeping (BSGH) noong June hanggang July nitong taon. Layon nitong maipamalas ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) ang kanilang disiplina, kakayahan, at best practices pagdating sa emergency response.
Para sa una at pangalawang araw ng ResQClympics, sinubok ang kakayahan ng mga manlalahok sa first aid at medical response bilang bahagi ng Elimination Round.
Nakiisa naman sa opening ceremony sina QCDRRMO Head Ma. Bianca Perez, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, at mga unit heads.








