Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, maaari na muling bumisita ang mga kamag-anak ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Quezon City Jail Male Dormitory matapos ang halos tatlong taon na absolute jail lockdown na ipinatupad ng Bureau of Jail Management and Penology buhat ng COVID-19.

Magsisimula ang dry run ng face-to-face visitation sa December 6, 7, 8, 10, at 11 kung saan 75 katao lamang ang maaaring bumisita. Ang regular face-to-face visitation naman ay magsisimula sa December 13. Maaaring bumisita ang mga kamag-anak ng PDLs tuwing Tuesday, Wednesday, Thursday, at Saturday, at Sunday.

Pinaalalahanan ng QCJMD ang mga bibisita na sundin ang health protocols upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.