Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa ribbon cutting ceremony para sa re-launching ng Shared Service Facility (SSF) on Craftbeer Processing na inilunsad ng Department of Trade and Industry – National Capital Region Office (DTI-NCRO) katuwang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon City (PCCI-QC).
Layunin ng SSF Project ng DTI na mapalakas pa ang pagiging produktibo at kahusayan ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng pagbibigay access sa teknolohiya bilang kagamitan.
Sa talumpati ni Mayor Joy, tiniyak niyang tuloy-tuloy pa rin ang suportang matatanggap ng mga micro-entrepreneurs mula sa lungsod. Sa kasalukuyan, nasa 35,779 aspiring entrepreneurs na rin ang nakatanggap ng kapital pang negosyo mula sa Pangkabuhayang QC program ng ating lungsod.
Present din re-launching ng SSF sina SBCDPO OIC Mona Celine V. Yap, BPLD Head Margarita T. Santos, DTI-NCRO Regional Director Marcelina S. Alcantara, PCCI-QC President Arch. Alfred Carandang, PCCI-QC Chairman Emeritus Dr. Carl Balita, Metro Manila Association of Food Entrepreneurs President Betty Aw, at QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc., President Joaquin Co.