Nakatanggap ng 200 sako ng bigas ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon mula sa Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc.
Nagbigay din ang International Pharmaceutical Inc. Angono Rizal ng 80 cases ng bath soap.
Ang mga donasyong ito ay gagamitin sa tuloy-tuloy na relief efforts na isinasagawa ng lokal na pamahalaan para sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang bagyo at habagat.
Maraming maraming salamat po sa inyong mga tulong para sa QC at sa mga QCitizen!




