Mahigit 1,300 pamilya sa Barangay Bagong Pag-asa ang nabigyan ng tig-10 kilong bigas sa pamamagitan ng Rice Subsidy Program ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan at matiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.
Pinangunahan ni Unang Ginang Louise Araneta-Marcos ang distribusyon ng ayuda kasama sina Mayor Joy Belmonte at Barangay Chairperson Chinggay Bilaos.
Dumalo rin sa aktibidad si dating District 6 Representative Kit Belmonte bilang pakikiisa sa programa.
Kabilang sa mga tumanggap ng tulong ang mga senior citizen na hindi kabilang sa SWA at Social Pension Program, mga kliyente ng SSDD, mga pamilyang natukoy sa CBMS, informal workers na nakarehistro sa PESO, persons with disability, solo parents, mga bedridden residents, at iba pang kwalipikadong benepisyaryo na naitala ng Philippine Statistics Authority.
Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan para sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa kapakanan ng mga QCitizen.










