Mula sa puso, para sa pamilya ![]()
![]()
Aabot sa 1,200 pamilya mula sa Barangay Doña Imelda ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng Rice Subsidy Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang food security at direktang maipaabot ang tulong sa mga pamilyang nasa vulnerable sector.
Pinangunahan ang pamamahagi ni Unang Ginang Louise Araneta-Marcos, kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte at Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Nakiisa rin sina Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Mel Robles, District 4 Councilors Nanette Castelo-Daza at Egay Yap, Punong Barangay Ganda Yap, District Action Officer Atty. Zandy Zacate, at dating District 6 Representative Kit Belmonte.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga senior citizens na hindi sakop ng SWA at Social Pension, SSDD clients, CBMS-identified households, PESO informal workers, persons with disability, solo parents, mga bedridden, at iba pa na natukoy sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System ng Philippine Statistics Authority.
Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot ng QC Government sa pangulo at sa unang ginang, sa kanilang patuloy na suporta para matulungan ang mga QCitizen na higit na nangangailangan.










