Mula sa 210,455 na pamilya, nasa 169,000 pamilyang QCitizen na mula districts 1, 2, 3, 4, at 6 ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas, sa ilalim ng Assistance to Indigent Individuals or Families (AIIF) ng national government, sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Ang mga benepisyaryo ay binubuo ng mga residenteng lubos na nangangailangan tulad ng mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents, at iba pang bahagi ng vulnerable sectors na masusing natukoy sa tulong ng Community-Based Monitoring System (CBMS) data ng Philippine Statistics Authority.
Makakatanggap sila ng tig-10 kilong bigas tuwing dalawang buwan. Sumatotal, makakatanggap ang bawat pamilyang benepisyaryo ng 40 kilong bigas ngayong taon.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, siniguro ng lokal na pamahalaan na ang bigas na ipapamahagi ay manggagaling mismo sa mga Pilipinong magsasaka. Nabili ng lungsod ang bigas sa tulong ng Sagip Saka Act.
Ang pamamahagi ng bigas sa mga pinaka-nangangailangang sektor ay bahagi ng mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan bilang pagsasakatuparan ng “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” program ng pambansang pamahalaan.










