Patuloy ang pamamahagi ng bigas para sa QCitizen families sa District 5, partikular sa Barangay Greater Fairview, sa tulong ng Assistance to Indigent Individuals or Families (AIIF) ng national government sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Ang mga benepisyaro ay mga residenteng bahagi ng vulnerable sectors kabilang ang senior citizen, persons with disabilities, at solo parents na natukoy sa tulong ng Community-Based Monitoring System (CBMS) data ng Philippine Statistics Authority.
Apat na beses silang makakatanggap ng tig-10 kilong bigas, na aabot sa 40 kilong bigas ngayong taon.
Ang pamamahagi ng bigas sa mga pinaka-nangangailangang sektor ay bahagi ng mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan bilang pagsasakatuparan ng “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” program ng pambansang pamahalaan.










