Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
BIGAS PARA SA NOVALENYO! ![]()
Aabot sa 1,300 na pamilyang QCitizens sa Novaliches ang nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas mula Rice Subsidy Program ng pamahalaan ngayong Biyernes.
Pinangunahan nina First Lady Louise Araneta-Marcos at Mayor Joy Belmonte ang distribusyon ng sako-sakong bigas sa District 5 Action Center.
Direktang binibili ng gobyerno ang mga ani ng magsasaka at ipinamamahagi ito sa mga nangangailangang pamilya sa bansa.
Nakiisa sa distribusyon sina San Juan City Mayor Francis Zamora, District 5 Rep. PM Vargas, Action Officer William Bawag, DILG Asec. Beth De Leon, at mga punong barangay.










