Mahigit 41,000 QCitizen families mula District 5 ang makakatanggap ng tig-10 kilong bigas, sa tulong ng Assistance to Indigent Individuals or Families (AIIF) ng national government sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Tulad ng mga naunang batch sa ibang distrito, ang mga benepisyaryo ay ang mga residenteng bahagi ng vulnerable sectors kabilang ang senior citizen, persons with disabilities, at solo parents na natukoy sa tulong ng Community-Based Monitoring System (CBMS) data ng Philippine Statistics Authority.
Makakatanggap sila ng tig-10 kilong bigas tuwing dalawang buwan. Sumatotal, makakatanggap ang bawat pamilyang benepisyaryo ng 40 kilong bigas ngayong taon.
Ang pamamahagi ng bigas sa mga pinaka-nangangailangang sektor ay bahagi ng mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan bilang pagsasakatuparan ng “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” program ng pambansang pamahalaan.










