Nakatanggap ng P5,000 rice subsidy ang mga retailer ng lungsod bilang pagalalay sa tumataas na presyo ng bigas.
Aabot sa 3,500 benepisyaryo mula sa iba-ibang barangay ng Quezon City ang target na mabigyan ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan ito ng Office of the City Mayor, kasama ang Business Permit and Licensing Department, Barangay and Community Relations Department, at Small Business and Cooperatives Development Promotions Office.




