Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang isinasagawang rehabilitasyon ng nasirang riprap sa ROTC Hunters St., Barangay Tatalon sa pangunguna ng Quezon City Government.
Isinasagawa ang mga pagsasaayos sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon City 2nd District Engineering Office, at San Miguel Corporation Infrastructure Group.
Nananatiling nakatutok ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang mapabilis ang pagkukumpuni at matiyak ang kaligtasan ng mga residente at iba pang dumaraan sa lugar.










