Nagsagawa ng magkakasunod na Risk and Communication Training ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD), katuwang ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office.
Kabilang sa mga lumahok sa training ang mga information officers mula sa mga barangay sa lungsod at iba-ibang departamento ng lokal na pamahalaan.
Layon ng pagsasanay na ibahagi ang best practices ng lokal na pamahalaan kaugnay ng risk communication, at palakasin ang iba-ibang communication strategies para sa mas epektibong paghahatid ng impormasyon bago at tuwing panahon ng kalamidad o sakuna.
Nagsilbing speaker ang mga eksperto sa larangan ng komunikasyon at public relations kabilang sina Public Relations Society of the Philippines (PRSP) President Ma. Luisa P. Sebastian, PRSP Vice President for Internal Affairs Ana Ruby B. Pista, PRSP Internal Auditor Paul Michael De Quiros, at PRSP Trustee Joe Zaldarriaga.
Nagbahagi naman ng kaalaman tungkol sa crisis communication si Safety & Disaster Risk Reduction Expert Mr. Martin Aguda Jr.








