Muling sumalang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, kabilang ang iba-ibang departamento ng City Hall, at mga kawani ng barangay at Sangguniang Kabataan sa seminar workshop kaugnay sa crisis and risk communication. Hinimay sa sesyon ang Risk Communication Playbook na binuo ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD), katuwang ang Disaster Risk Reduction and Management office (DRRMO).
Layon ng pagsasanay na ibahagi ang best practices ng lokal na pamahalaan kaugnay ng risk communication, at palakasin ang iba-ibang communication strategies para sa mas epektibong paghahatid ng impormasyon bago at tuwing panahon ng kalamidad o sakuna.
Nagsilbing speakers sina PAISD Head Engelbert Apostol, at PAISD Digital Media Division Head Richie Velarde.








