Paghahatid ng importanteng impormasyon sa QCitizens at epektibong pagtugon sa oras ng sakuna at kalamidad ang tinalakay sa pagpapatuloy ng serye ng Risk Communication Workshops ngayong araw.

Dumalo ang mga kawani ng barangay at SK sa training na pinangasiwaan ng subject matter expert na si Dr. Ted Esguerra. Nakiisa sila sa mga disaster simulations mula sa set-up ng command center, triage and evacuation areas, pagre-report, at pagligtas ng buhay.

Bahagi ang workshop ng ginagawang risk communication guidebook para mapalakas ang kahandaan ng mga barangay sa mga sakuna at kalamidad.

#TayoAngQC

+10