Dumalo ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa ginanap na Risk Communications Training ngayong araw.

Layon ng pagsasanay na bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga lider ng komunidad para sa mas epektibong paghahatid ng mahahalagang impormasyon bago at sa panahon ng kalamidad.

Sa pamamagitan ng serye ng mga lecture at workshop, natutunan ng mga kalahok kung paano masisigurong napapanahon at wasto ang impormasyong ihahatid sa mga residente.

+20