Bilang paggunita sa ika-128 taon ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, nag-alay ng bulaklak ang Quezon City government sa kanyang bantayog kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan.
Nanguna sa pag-alay ng bulaklak sina Coun. Eric Medina, National Historical Commission of the Philippines QMC Senior Curator Janice Tambo, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, at Chief of Staff Rowena Macatao.
Nakiisa sa pag-alala kay Rizal ang Boy Scouts of the Philippines, Knights of Columbus, QC Schools Division Office, Quezon City Police Department, at Bureau of Fire Protection.
Hindi malilimutan ang sakripisyo ni Dr. Jose Rizal at kanyang pagmamahal sa bayan na naging mitsa para makamit ang kasarinlan ng Pilipinas.