Ginawaran ng Department of Health (DOH) ng Exemplary Award ang Rosario Maclang Bautista General Hospital bilang pagkilala sa Newborn Hearing Screening Facility ng ospital.
Ang Newborn Screening ay mahalagang pagsusuri upang matukoy ng maaga kung ang isang sanggol ay may seryosong kundisyon.
Bukod sa certificates at plaque, nakatanggap din ang RMBGH ng P100,000 na halaga ng Newborn Screening kits mula sa DOH.
Congratulations po sa lahat ng naging bahagi ng parangal na ito. Patunay lamang ito ng inyong hindi matatawarang dedikasyon sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo sa ating lungsod.