Patuloy ang isinasagawang road and drainage maintenance works ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering (QCDE). Kasabay nito ang iba pang maintenance activities pang-imprastruktura sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bilang bahagi ng patuloy na serbisyo para sa kaayusan ng mga lansangan.
Narito ang mga maintenance activities na naisagawa sa pagtutulungan ng lahat ng district maintenance teams:
District 1
• Drainage pipe installation works sa Banawe St., along Brgy. St. Peter, Siena, at Sto. Domingo
• Concreting works sa Drainage Interceptor sa Matutum St., Brgy. St. Peter
District 2
• Various clearing and repair works along Commonwealth Avenue, near Philcoa, corner Masaya St., at corner Don Antonio Dr.
• Clearing works sa Pasong Tamo Creek, Brgy. Holy Spirit
• Cleaning works sa waiting shed along Commonwealth Avenue corner Don Antonio Dr., Brgy. Batasan Hills
District 4
• Clearing works ng drainage inlets sa Elliptical Road, Brgy. Central
• Declogging works sa Baloy St. corner Kapiligan St., Brgy. Dona Imelda
• Beautification works sa Tomas Morato Avenue
District 5
• Clearing works sa damaged retaining wall sa Brgy. Fairview
• Dismantling ng damaged pathwalk and fence sa Brgy. North Fairview
Layon ng mga operasyong ito na matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kaayusan ng mga lansangan para sa kapakinabangan ng bawat QCitizen.
Paalala sa mga QCitizen, ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.




