Nagsagawa ang Quezon City Government ng karagdagang inisyatibo para maging maayos ang daloy ng trapiko sa Quirino Highway, partikular sa harap ng Rosa Susano Novaliches Elementary School (RSNES).
Nagtakda ng drop-off at pick-up points ang Traffic and Transport Managament Deparment (TTMD), katuwang ang Task Force Disiplina, para sa mga magulang na maghahatid ng kanilang mga anak.
Nakasuporta naman ang Quezon City Police District, para umalalay sa mga guro ng RSNES at kawani ng Barangay Gulod.
Muling pinaalalahanan ang mga magulang na makiisa sa mga hakbang ng lungsod para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga bata.
Patuloy namang nakamonitor at nakaantabay ang Quezon City Government, District 5 Action Office sa pangunguna ni AO William Bawag, at ang Schools Division Office, sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Carleen Sedilla sa kaayusan ng pagpasok at pag-uwi ng mga estudyante.










