Isang matagumpay at makabuluhang pagtutulungan para sa kalusugan ng komunidad! ![]()
Pormal nang pinagtibay ng Philippine College of Surgeons Metro Manila Chapter ang taunang Operation Tuli Program ng ospital, na isinagawa bilang Tuli Mission 2026 sa Rosario Maclang Bautista General Hospital, katuwang ang iba-ibang institusyong medikal sa Metro Manila.
Pinangunahan ang aktibidad nina Dr. Bong Casis (PCS-MMC President) at Dr. Jeffrey Domino (PSGS-MMC President), kasama ang iba pang mga surgeon at medical professionals.
Pinaunlakan din ni Dr. Dave Anthony A. Vergara, Medical Center Chief ng RMBGH, ang taunang programang ito, at nanguna sa pagtanggap sa mga opisyal ng PCS-MMC at PSGS-MMC, kasama ang lahat ng mga boluntaryong doktor.
Umabot sa kabuuang 55 doktor mula sa iba-ibang ospital ang nakiisa, kabilang ang Quezon City General Hospital, The Medical City, UST Hospital, St. Luke’s Medical Center, at marami pang iba.
Kasama rin ang 30 volunteer student nurses mula sa Our Lady of Fatima University – Quezon City na nagbigay ng mahalagang suporta sa buong programa.
Sa kabuuan, umabot sa 250 kabataang benepisyaryo ang nabigyan ng libreng serbisyo.
Hindi rin matatawaran ang ambag ng Department of Surgery sa pangunguna ni Dr. Rashida Cawiya Guiling-Decena, kasama ang buong surgical team. Malaki rin ang naging papel ng RMBGH In-House Staff—mula Nursing Service Directorate, Hospital Directorate (IT, Facility Management, Security), at Medical Services Directorate—sa maayos na daloy ng programa.
Layunin ng partnership ng RMBGH at PCS-MMC PSGS-MMC na taon-taong palawakin ang bilang ng mga makikinabang sa ganitong uri ng social responsibility.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa adbokasiyang ito! ![]()
#SerbisyongTapat#KalusuganParaSaLahat#OperationTuli#TuliMission2026#QCHealth










