TULI NA SI TOTOY!
Ngayong summer season, nagsagawa ang Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH) ng libreng tuli operations para sa mga kabataang QCitizens sa Distrito 2.
Katuwang ng RMBGH ang Metro Manila Chapters ng Philippine College of Surgeons at Philippine Society of General Surgeons upang matiyak na magiging matagumpay ang mga operasyon.
Higit sa 260 ang nagparehistro para sa tuli medical mission.




