Maraming salamat sa Rotary International District 3780 para sa kanilang karagdagang donasyon sa QC Learning Recovery Trust Fund at mosquito fogging machines para sa Lungsod Quezon!
Personal na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang mga donasyon kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at city government departments.
Kaisa rin sa turnover ceremony sina Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera at District 3780 Governor Paul Angel Galang at iba pang kinatawan ng Rotary Club.
Dagdag pa rito, naglaan din ng ₱3 milyon halagang pondo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang Bagong Henerasyon Partylist para sa mga QCitizens na lubos na nangangailangan.
Patuloy lamang ang pagtutulungan ng pamahalang lungsod at mga civil society organizations tungo sa pagpapabuti ng kalagayan ng QCitizens.




