Nakilahok sa malawakang Clean-up at Information Drive ang mga barangay sa District 3, District 5, at District 6 ngayong araw sa pangunguna ng Quezon City Health Department Official.
Kabilang dito ang Barangay E. Rodriguez, Barangay Ermin Garcia, Barangay Gulod, Barangay Nagkaisang Nayon, Barangay Capri, Barangay Sta. Monica, Barangay San Bartolome, Barangay Fairview, Barangay Tandang Sora, Barangay Talipapa, Barangay Sauyo, Barangay Baesa, Barangay Sangandaan, Barangay Apolonio Samson, Barangay Pasong Tamo, at Barangay Culiat.
Sama-samang nag-ikot ang mga barangay officials, street sweepers, at volunteers sa mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok para maglinis at mag-spray ng gamot na pamatay sa mga ito.
Nakiisa rin ang mga health worker ng barangay sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa dengue at kung paano ito maiiwasan.
Hinihikayat ang lahat na patuloy na makiisa sa mga clean-up drive sa mga barangay upang mapuksa ang mga pinangingitlugan ng mga lamok na nagdadala ng dengue.