Inay, espesyal ka!
Ngayong Safe Motherhood Week, ating bigyang halaga ang kalusugan at kapakanan ng bawat ina.
Ang Quezon City Government ay laging nakaalalay sa pagbibigay ng sapat at maayos na pre-natal at post-partum care sa mga ina at sanggol sa lungsod.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng libre check-up, bitamina, at bakuna sa ating mga health center. Gayundin ang pagtuturo ng family planning sa bawat pamilya.
Maaaring magpunta sa pinakamalapit na Health Center sa inyong barangay para magpakonsulta.
