Sa bisa ng Proclamation No. 417, ipinagdiriwang tuwing ikalawang Martes ng bawat taon ang Safer Internet Day for Children Philippines.
Ang tema ng paggunita ngayong February 11, 2025 ay “Digital Bayanihan, Para sa Kabataang Ligtas at Protektado Online.”
Layon nitong palawakin ang kamalayan at kaalaman ng bawat isa ukol sa paggamit ng digital technology at kung paano mas magiging ligtas ang mga kabataan sa internet.
Sa Quezon City, patuloy ang pagtutok ng lokal na pamahalaan upang sugpuin ang online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) sa pamamagitan ng Ordinance No. SP-3241, S-2023 o ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (Anti-OSAEC).
#DigitalBayanihanParaSaKabataan
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-232-1024x1024.jpeg)