SAGIP SAKA DAY SA QC! ![]()
![]()
![]()
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa idinaos na Sagip Saka Day 2026 na pinangasiwaan ng opisina ni Senator Kiko Pangilinan sa M.I.C.E Center ngayong Sabado.
Ngayong taon ang ika-14 anibersaryo ng Sagip Saka bilang programa at ika-7 anibersaryo ng pagiging batas nito.
Ang Sagip Saka Act na isinulong ni Senator Kiko ay nagbibigay-daan sa pamahalaan upang direktang makabili ng mga produktong ani ng mga magsasaka at mangingisda. Sa tulong nito, maiiwasan ang middleman at mabibili sa tamang presyo ang mga produkto na magiging abot-kaya sa bawat pamilyang Pilipino.
Ang Quezon City ang unang lungsod na nagpatupad ng Sagip Saka Act sa pagbili ng bigas gamit ang Local Government Support Fund (LGSF) na programang Bawat Bayan Makikinabang ng Pangulong Marcos.
Nakibahagi sa programa sina World Food Programme PH Country Director Regis Chapman, Department of Agriculture Asec. Joycel Panlilio, Dante Villanueva ng RAMFARMCO, Kumalarang Mayor Ruel Molina, Catubig Mayor Solomon Vicencio, kasama ang iba-ibang kooperatiba ng mangingisda at magsasaka.









