Nagbigay-pugay si Mayor Joy Belmonte sa mga estudyante ng Saint Pedro Poveda College na nagkamit ng natatanging tagumpay sa national at international cheer at dance competitions.
Sa ilalim ng mga resolusyong inihain ng Sangguniang Panlungsod, kinilala ang Team Pilipinas-Enciende sa pag-uuwi ng gold medal mula sa IASF Dance World Championships at silver medal sa International Cheer Union.
Nakatanggap rin ng gold medal ang Poveda Senior Hardcourt sa All-Senior Group Stunts Category at silver medal sa All-Senior Cheer Category sa National Cheerleading Championships.
Nakiisa sa courtesy call sina Coun. Candy Medina, Coun. Wency Lagumbay, at Coun. Mari Rodriguez.
Congratulations sa inyong tagumpay. Patuloy ninyong ipagmalaki ang husay at galing ng mga kabataang QCitizen!









