Mainit na tinanggap ng Salam Community ng Brgy. Culiat si Mayor Joy Belmonte kahapon.
Nais ng alkalde na isulong ang halal culture at maging bahagi ito ng turismo sa Quezon City.
Layon nitong makapagbigay ng hanapbuhay at negosyo sa mga kapatid nating Muslim.
Tinalakay din ang pagsasaayos ng mga gusali tulad ng mosque, covered court, at palengke upang mas maraming miyembro ng Salam Community ang makakagamit ng mga ito.