Patuloy ang pagsasaayos ng mga kable sa Salam Compound, Brgy. Culiat bilang bahagi ng isinasagawang anti-dangling wire operation sa lungsod.
Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa Meralco, telecommunication companies, at cable providers upang maalis ang mga dead wires at illegal connections sa lugar. Layon nitong maiwasan ang sunog at makasagabal ang mga kable sa publiko.
Magpapatuloy ang clearing operation sa iba-ibang barangay sa lungsod upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan.




