Sumailalim sa Leadership and Organizational Development Towards People’s Plan training ang mga officers at kasapi ng Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SAMANA) North Triangle Neighborhood Association mula sa Brgy. Bagong Pag-asa sa pakikipagtulungan ng Brgy. Sto.Cristo. Ito ay para magkaroon sila ng sapat na kaalaman at gabay tungo sa pagpaplano at pagsasagawa ng kanilang nais na programang pabahay sa kanilang komunidad.

Nakiisa sina Kap. Rudy Palma, Kap. Mac Navarro, at SAMANA Chairman Rodel Adiao sa pagtitipon. Pinangunahan din ng mga kinatawan ng Presidential Commission for the Urban Poor ang naturang seminar.

Nagbigay naman ng mensahe si Mayor Joy Belmonte at inilatag ang mga programa sa pabahay ng pamahalaang lungsod kung saan maaaring maging benepisyaryo ang mga kasapi ng samahan. Ayon sa alkade, patuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod at SAMANA upang makamit ang maayos at abot-kayang in-city relocation program para sa mga residente nito.