Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang on-going dredging sa San Francisco River.
Sa pamamagitan ng dredging, mas papalalimin pa ang ilog para maiwasan ang pag-apaw nito lalo na tuwing umuulan.
Malaki ang maitutulong nito para sa mga residente ng unang distrito na karaniwang naaapektuhan ng pagbaha, partikular sa Barangay Masambong, Talayan, Del Monte, at Damayan.
Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 5,000 cubic meters ng sludge ang nakolekta rito. Ang sludge, na itinuturing na basura, ay gagamitin naman sa pagbuo ng access ramps.
Kasama ng alkalde sa project inspection sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at barangay officials.