Uunahing ipamahagi ng Quezon City government ang ayuda sa QCitizens na lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine sa 40 barangay bukas mula 11:00 ng umaga.

P1,000 cash ang ayuda sa bawa’t indibidwal at hanggang P4,000 sa may apat na miyembro ng pamilya o higit pa.

Lilimitahan muna sa 2,000 benepisyaryo ang papupuntahin sa bawa’t distribution center, para masigurong masusunod ang health protocols.

Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ipapaskil sa inyong barangay, at ilalagay din sa official Facebook page at website ng Quezon City government.

Magdala lang ng mga sumusunod:

  • Valid ID na may pirma
  • 2 photocopy ng Valid ID na mayroong tatlong pirma / signature

Ipapamahagi ang ayuda sa natitirang 102 barangay sa susunod na mga araw, at ipagbibigay-alam ng inyong barangay ang schedule ng distribution.

Makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay para sa iba pang katanungan tungkol sa ayuda.

Basahin ang iba pang impormasyon dito: Aid Distribution in QC starts tomorrow