Idinaos ng Ajinomoto Philippines Corporation (APC) katuwang ang lokal na pamahalaan ang selebrasyon para sa unang taon ng implementasyon ng programang SariCycle sa Lungsod Quezon.

Ayon sa APC, nakakoleta ng 8.1 metric tons ang programa at umabot na sa 23 barangays ang active sites.

Higit na rin sa 1,000 na store owners ang nakikiisa sa inisyatibong mabawasan ang single-use plastics (SUP) at sachets sa QC.

Layon ng SariCycle program na marecover at ma-recycle ang mga SUP sa mga komunidad sa tulong ng mga sari-sari stores. Maaaring i-convert ito sa environmental points at makakuha ng mga Ajinomoto products.

Pinarangalan sa programa ang Barangay Bagong Silangan bilang top barangay na nakakoleta ng 1,212 kgs ng SUP.

Dumalo sa programa sina Councilor Vito Sotto Generoso bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, APC President Koichi Ozaki, BEST Inc. Vice President Atty. Dwight M. Ramos, at Philippine Association of Stores and Carinderia Director Lorelyn Tamares.

+19