Nagsagawa ang QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO) at Lazada Philippines ng Laz Sell Online, kung saan tinuturuan ang mga small entrepreneur kung paano mag-set up ng seller’s account sa Lazada.
Nagbigay si Mayor Joy Belmonte ng mensahe sa mahigit 40 kalahok, na kanyang pinasalamatan dahil sa kanilang dedikasyon na ipagpatuloy ang negosyo sa kabila ng pandemya.
Tinuruan ang mga negosyanteng QCitizen ng iba-ibang tips sa pagtatayo ng sariling online store sa Lazada mula sa tamang pagkuha ng litrato, paggawa ng caption, at paga-upload nito.