Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang paghahanda sa tuloy tuloy na pagsisiguro ng nutrisyon ng mga undernourished public school students, lalo na sa panahong walang pasok, tulad ng Sabado at Linggo pati summer break, nagsagawa ng pagpupulong ang iba’t ibang departamento ng Quezon City Government upang mas mapabuti ang nutrition programs ng lungsod.
Tinalakay kung paano mapapalakas ang ugnayan sa mga barangay at lokal na producers mula sa mahigit 1,400 urban farms ng lungsod upang masigurong sariwa at masustansyang pagkain ang naihahain sa mga bata.
Layunin nito ang mas matatag na suporta para sa kinabukasan ng mga kabataang QCitizen.








