Isang makabatang araw, QC! 👧👦

Inilunsad na ng Department of Education sa pangunguna ni Vice President and Deped Secretary Sara Duterte ang School Mental Health Program (SMHP) at School-based Feeding Program (SBFP) sa Esteban Abada Elementary School.

Naglalayong matugunan ng SMHP ang mga kinakaharap na mental health issues ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mental health policies at pagbibigay ng karampatang medical at psychosocial services.

Kalusugan ng pangangatawan naman ang nais tutukan ng SBFP sa tulong ng pagbibigay ng mga masustansyang pagkain sa mga mag-aaral tulad ng hot meals at gatas mula sa local dairy farmers.

Kasama sa ribbon-cutting ceremony at kickoff program sina Mayor Joy Belmonte, House Committee on Basic Education and Culture Rep. Roman Romulo, Deped Asec. Dexter Galban, at NCR Regional Director Jocelyn Andaya.

Kaisa ng Deped ang QC government at Schools Division Office upang isulong ang mental at physical well-being ng mga mag-aaral sa bansa.

+46