Mga Dapat Gawin Kapag May Banta sa Seguridad sa Paaralan ![]()
![]()
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan sa mga paaralan, ibinabahagi ng Quezon City Government, katuwang ang Quezon City Police District at QC Schools Division Office, ang gabay na ito para sa mga mag-aaral, guro, kawani ng paaralan, at mga magulang.
Kapag may banta sa seguridad sa inyong paaralan, isagawa ang I.A.D.D. (Identify, Avoid, Deny, Defend) at gawin ang pinakaligtas na hakbang ayon sa sitwasyon upang maprotektahan ang inyong sarili at ang iba.
Ang mga guro at kawani ng paaralan ang mangunguna sa pagpapatupad ng safety protocols, paggabay sa mga mag-aaral at pakikipag-ugnayan sa mga emergency responder, gayundin sa mga magulang at guardian tungkol sa kalagayan at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa oras ng emergency, tumawag sa QC Helpline 122 o sa Hotline 911.










