Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
BAWAT ATLETANG QC, SUPORTADO! ![]()
![]()
Higit sa 1,000 kabataang atleta at coaches ang nakatanggap ng allowance mula sa Pamahalaang Lungsod Quezon bilang tulong sa kanilang paglahok sa NCR Palaro 2026.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte na dumalo sa PEP Rally, importante ang patuloy na pag-alalay ng lokal na pamahalaan sa mga kabataang atleta, dahil susi ito sa kanilang pagkamit ng tagumpay.
Nakibahagi sa seremonya sina Vice Mayor Gian Sotto, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, at Education Affairs Unit head Maricris Veloso.










