Upang mas maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga QCitizen lalo na ng mga nasa marginalized sector, nakiisa ang Quezon City Government sa 2023 National Social Enterprise Development Roadmap (SE Roadmap) Council Conference sa Seda Vertis North.

Sa mensahe ni Mayor Joy Belmonte, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng isang inklusibong komunidad para sa lahat, lalo na para sa mga vulnerable sector. Sa tulong ng SE Roadmap, mas matututukan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at mabibigyan sila ng mas marami pang oportunidad bukod sa mapapangalagaan ang kalikasan.

Hinikayat niya rin ang mga dumalo sa conference, kabilang ang mga miyembro ng kooperatiba, academe, private sector, non-government organization, at foundations. na makibahagi sa binubuong ordinansa na magpapatatag pa sa mga Social Enterprise sa lungsod.

Kasama ni Mayor Joy na dumalo sa pagtitipon sina Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, Kabahagi Center for Children with Disabilities Director Karen Sagun, at Public Employment Service Office (PESO) Head Rogelio Reyes. Naroon din sina Fernando Zobel de Ayala ng Ayala Corporation, BIG Chairman and President Prof. Jay Bernardo at BIG Executive Director Prof. Carlo Sagun.

+20