Congratulations, Quezon City!

Ginawaran ng Seal of Good Education Governance ang ating lungsod sa ginanap na Synergeia Washington Sycip National Education Summit.

Tinanggap nina Coun. Aly Medalla, Education Affairs Unit OIC Ms. Maricris Veloso, Schools Division Superintendent Ms. Carleen Sedilla, Quezon City Local School Board Secretariat Dr. Susan Baetiong, at Education Affairs Unit Consultant Dr. Lina Sebastian ang nasabing parangal.

Ang Quezon City ay isa sa limang lungsod sa buong bansa na pinarangalan ng Seal of Good Governance.

Ang Seal of Good Education Governance (SGEG) ay ibinibigay sa mga natatanging Local Government Unit (LGUs) na nagpamalas ng good governance pagdating sa paghahatid ng dekalidad at inklusibong edukasyon.

#SealOfGoodEducationGovernance

#QCParaSaEdukasyon#SynergeiaEducationSummit