Muling nakamit ng Quezon City ang prestihiyosong Seal of Good Education Governance!
Sa pangalawang pagkakataon, natanggap ng lokal na pamahalaan ang parangal bilang pagkilala sa good governance sa paghahatid ng dekalidad at inklusibong edukasyon.
Sumasalamin din ang Seal of Good Education Governance sa mabuting pamamahala ng alkalde at local school board, mataas na bilang ng mga batang natapos ang school year at nagtapos ng primary education, at mga inisyatibong sumusuporta at tumutulong sa mga batang hirap magbasa.
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal sa ginanap Synergeia Washington Sycip National Education Summit, kasama sina Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, at QC Schools Division Superintendent Carleen Sedilla.








