Malugod na tinanggap ng Team Quezon City ang national validators ng Seal of Good Local Governance ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa pagbati sa mga validator mula sa DILG.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng alkalde na naka-angkla ang pamamalakad ng lungsod sa good governance upang tiyakin ang mataas na kalidad na mga serbisyo para sa mga QCitizen.

Ang SGLG ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng DILG sa mga LGU na nagpakita ng kahusayan sa lokal na pamamahala.

Noong isang taon, isa ang QC sa limang lungsod sa NCR na nakatanggap ng SGLG.

+13